Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Warrant of arrest kay Pemberton, kinuwestiyon ng pamilya Laude

$
0
0

Ang pagkwestyon ng Pamilya Laude sa warrant of arrest kay Pemberton. (UNTV News)

OLONGAPO CITY, Philippines – Naghain ng mosyon ngayong Huwebes sa Olongapo City Hall of Justice ang mga abogado ng pamilya Laude upang kwestyunin ang inilabas na arrest warrant kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon sa isa sa mga abogado ng pamilya Laude na si Atty. Virgie Suarez, hindi dapat naka-address sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang inilabas ng korte na arrest warrant laban kay Pemberton kundi sa law enforcement agency ng Pilipinas gaya ng Philippine National Police.

Samantala, kaninang umaga ay nag-inspeksyon ang US Navy Regional Legal Service sa loob at labas ng court room ng Branch 74 sa Olongapo City Hall of Justice.

Pinangunahan ito ng isa sa mga abogado ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na si Commodore Timothy Stone, pasado alas-9 ng nitong umaga ng Huwebes.

Sa labas ng court room sa second floor ng hall of justice ay may mga barikada ng nakalagay malapit sa pintuan. Paghahanda umano ito sa inaasahang pagdating ni Pemberton.

Kaugnay nito, alas-8 at alas-10 ng umaga ay magkasunod na dumaong sa SBMA ang dalawang barko ng Estados Unidos.

Ito ay ang USNS Carl Brashear at USNS Richard E. Byrd lulan ang mga sundalong Amerikano.

Ayon sa pamunuan ng SBMA, magsasagawa ng port visit ang mga sundalo na tatagal ng dalawa hanggang tatlong araw. (Joshua Antonio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481