MANILA, Philippines – Nangunguna pa rin si Vice President Jejomar Binay, Senator Grace Poe at Interior Secretary Mar Roxas sa mga posibleng pumalit kay Pangulong Benigno Aquino III bilang pangulo ng bansa batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa 1,800 respondents na tinanong ng SWS, nakakuha ng 37% votes si Binay, Poe (21%), Roxas(19%).
Sumunod sa listahan sina Senator Miriam Defensor Santiago (10%), Sen. Chiz Escudero (9%), Manila Mayor Joseph Estrada (9%).
Pasok rin sa listahan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte (5%), Sen. Antonio Trillanes IV (5%), Sen. Bongbong Marcos (3%), Sen. Alan Peter Cayetano (3%), Manny Villar (2%), Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. (2%), at Panfilo ‘Ping’ Lacson (2%).
kinatuwa naman ng bise presidente ang resulta ng survey.
Ayon naman kay Senator Poe, inspirasyon ang naturang survey ngunit hindi ito ang kaniyang prayoridad.
Aniya, “Ito’y nagbibigay ng inspirasyon sa amin ‘pag meron silang approval, pero gaya nga ng sinabi ko ang mga problemang hinaharap natin ngayon ay mas importante.”
Sinabi naman ni Presidential Communication Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na ang mga opinion survey ay bahagi ng citizens feedback at hindi naman ito ang pangunahing interes o focus ng pamahalaan. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)