MANILA, Philippines – Simula noong Disyembre 21 hanggang sa Enero 5, 2015 ay nakataas ang code white alert status ng Department of Health sa lahat ng national, regional at local government hospitals sa bansa bilang paghahanda ngayong holiday season.
Sa ilalim ng code white alert, dapat nakahanda ang lahat ng hospital manpower, tulad ng mga doktor at nurses upang magbigay ng atensyong medikal sa lahat ng health-related incidents na maaring mangyari sa pagdiriwang ng holiday season.
Kasama rin sa mga nakaantabay ang mga medical team para sa agarang mobilisasyon ng mga pasyente kung kinakailangan.
Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok, at sa halip ay gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay upang makaiwas sa anumang aksidente. (UNTV News)