MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Philippine National Police (PNP) ang hiling na extension sa visiting hours ng dalawang senador na naka-detain sa PNP Custodial Center.
Ngunit nilinaw ni PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor na hindi ito para lamang sa dalawang senador, kundi sa lahat ng nakakulong sa PNP Custodial Center.
Sinabi ni Mayor na mula sa regular visiting hours na 1pm to 5pm ng weekdays ay pinalawig ito mula 5pm ng Dec. 31 hanggang 1am ng January 01, 2015.
Nilinaw naman ng opisyal na pawang mga immediate family members lamang ang papayagang dumalaw sa mga ito.
“Immediate family members include spouse, fiancée, parent, child, brother, sister, grandparent o grant child, uncle, aunt, nephew, niece, guardian,” ani Mayor.
Maaari ding magpasok ng mga pagkain subalit bawal ang party sa loob ng kulungan at tanging sa common area lamang maaaring mag-stay ang mga bisita.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 70 ang mga nakakulong sa PNP Custodial Center. (UNTV News)