MANILA, Philippines – Hanggang nitong umaga ng January 01, 2015ay umabot na sa 351 ang naitalang fireworks-related injuries ng DOH-National Epidemiology Center.
Mas mababa ito ng 160 o 31% sa nakalipas na limang taon o sa average na 511 injuries kada taon.
Sinabi ni Acting Health Secretary Janette Garin na isa sa dahilan nito ay ang mga isinagawang fireworks display ng ilang public communities at pribadong organisasyon upang maiiwas ang maraming mamamayan sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Malaking bilang ng fireworks related injuries ay naitala sa National Capital Region (NCR) na may 168 o 48%, 52 dito ay sa Maynila, Pasig (23), Quezon City (21), Caloocan (12) at Navotas (12).
Nananatili namang piccolo ang may pinakamaraming nabiktima na umabot sa 166, sumunod ang kwitis (35), luces (21) at 5 star (12).
Bumababa din ang kaso ng mga tinamaan ng ligaw na bala.
Bunsod nito ay nagpasalamat ang DOH sa sa PNP at DILG sa kampanya nito kaugnay sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa bagong taon.
“Stray bullets 73% lower malaki ang binababa. We would like to thank PNP and DILG for massive campaign,” pasasalamat ni Sec. Garin.
Sa kabila nito, bagama’t bumaba ang bilang ng mga nasugatan at naputukan ay tumaas naman ng 75% ang bilang ng mga kamay o daliring napinsala ngayong taon.
“We are attributing this in two factor nag-shift ang age ng users sa mga bata masyado ng bata ang gumagamit nito kaya madaling maputukan kasi mas maliit kamay mas malaki ang damage ginagawa sa mga daliri ng mga kabataan. Another factor nagkalat murang paputok na minsan magkakaibigan ay nagbibigay, they share the danger,” pahayag pa ni Garin.
Magpapatuloy ang assessment ng Department of Health National Epidemiology Center sa mga naputukan hanggang sa Enero 5, 2015. (JP Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)