Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa MRT at LRT, walang puso ayon kay Sen. Ejercito

$
0
0
FILE PHOTO: Sec. Joseph Victor "JV" Ejercito (UNTV News)

FILE PHOTO: Sec. Joseph Victor “JV” Ejercito (UNTV News)

MANILA, Philippines – Dismayado si Senador JV Ejercito sa ipinatupad na taas-pasahe sa MRT at LRT nitong linggo.

Ayon sa senador, hindi ito makatarungan lalo’t ang mga pasahero ay nakararanas ng sakripisyo tulad ng napakahabang pila, kawalan ng gumaganang elevator at escalator, at tumitigil o nadidiskaril na tren.

Sinabi ni Ejercito na napakasama ng timing nito na itinaon sa pagpasok ng 2015.

Dagdag pa ng senador, wala sanang problema sa dagdag na pamasahe kahit pa maging katulad ito ng presyo ng mass rail transport system sa Singapore na halos 28-pesos kada kilometro.

Ito aniya ay kung ang serbisyo sana ng MRT at LRT ay katulad din ng magandang serbisyo sa Singapore.

Ikinumpara rin ng senador ang Hong Kong MRT na nasa siyam na piso lamang kada kilometro ang pasahe, ngunit maganda ang kalidad ng serbisyo.

Bunsod nito, nakatakdang maghain ng resolusyon si Ejercito sa pagbabalik sesyon ng senado upang dinggin ang nasabing isyu.

Una nang nagpakita ng pagkadismaya si Senador Grace Poe sa naturang price hike dahil sa hindi ito binanggit ng DOTC sa isinagawang MRT hearing ng Senate Public Services Sub-committee on Transportation noong nakalipas na taon. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481