MANILA, Philippines – Pakakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga sibiliyan na nakuhanan ng video na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon sa Narvacan, Ilocos Sur.
Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, kilala na ng Ilocos Sur PNP ang mga nagpaputok ng baril at nakatakdang sampahan ng kasong alarm and scandal.
Kabilang sa mga nakita sa video sina:
Cesar Lutchina Funtanilla
Mark R-Jay Cabana
Jumar Cabreros
Ian Christopher Calixterio
Russel Funtanilla
Philip Andrew Lutchina Funtanilla
Geronimo Gomez
Sinabi pa nito na aalamin din nila kung lisensiyado ang baril na ginamit ng mga kalalakihan, at kung hindi ay posibleng maharap din ang mga ito sa kasong illegal possession of firearms.
“Maraming kaso na pwedeng isampa dito, pwedeng alarm and scandal dahil nagpaputok sila in public place, illegal discharge of firearms at if this firearms is not license ay illegal possession of firearms kung may makuha sa kanilang possession at kung may tinamaan that is reckless imprudence resulting in physical injury or kung may namatay that is homicide,” ani Mayor.
Gayunman, nilinaw ni Mayor na masusing imbestigasyon ang gagawin ng PNP hinggil sa insidente upang malaman kung ang mga ito ang totoong nagpaputok ng baril, habang maghahanap din ng mga saksi ang Ilocos PNP.
“Kailangan ay may authentication, yoy need witnesses to also support the pictures na yan nga ay ginawa ng isang tao because it will not stand in itself pati yung video,” saad pa ni Mayor.
Isang Drew Lutchina ang nag-upload sa Facebook ng nasabing video at iba pang larawang nagpapakita ng mga high powered firearms at maraming balang hawak ang mga nasabing lalake. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)