Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagkukumpuni sa 80,000 PCOS machines, itinakda sa Marso

$
0
0

FILE PHOTO: Mga guro sa Abellana National High School sa Cebu habang idinaraos ang PCOS operation training bilang bahagi ng preparasyon noong 2013 midterm election. (JULIUS CASTROVERDE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Batay sa Comelec en banc Resolution No. 9922, sisimulan na ngayong Marso ang refurbishment o pagsasaayos ng Smartmatic sa 80-libong PCOS machines na gagamitin sa 2016 Presidential Elections.

Ipinasya ng Comelec na i-award sa kumpanyang sa Smartmatic ang pagkumpuni at pagpapalit ng mga sirang bahagi ng PCOS machines na nagkakahalaga ng P1.2 billion.

Ito ay sa kabila ng mga batikos na hindi dapat ibigay o i-extend ang warranty sa Smartmatic.

5-2 ang resulta ng ginanap na botohan, pabor sa Smartmatic.

Kabilang sa limang bumoto pabor para sa warranty extension ng Smartmatic ay sina Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., Commissioners Lucenito Tagle, Elias Yusoph, Christian Robert Lim at Commissioner Al Parreno.

Hindi naman pabor sina Commissioner Luie Guia at Commisioner Arthur Lim.

Unang ginamit ang PCOS machines noong 2010 general elections at 2013 mid-term elections.

Natapos naman ang warranty ng PCOS machines noong December 2013 kaya kinakailangan na umanong sumailalim sa refurbishing o repair ang mga makina bago ang May 2016 presidential elections.

Ayon sa Bids and Awards Committee, hindi masusunod ang timeline ng Comelec kapag nagkaroon pa ng isa pang public bidding.

Ipinaliwanag din ni Brillantes na kailangan na Smartmatic ang magsagawa ng refurbishing sa PCOS machines upang magawa ang mga dapat ihanda bago ang May 2016 presidential polls.

Ayon naman sa Law Department ng Comelec, maaaring mag-extend ang poll body ng warranty sa Smartmatic dahil tanging ang kumpanyang ito ang makapagbibigay ng karampatang serbisyo para sa PCOS machines.

Sisiguruhin umano ng Comelec na maisaayos ang lahat ng pagkukumpuni at pagpapalit ng spare parts upang hindi maantala at maging maayos ang pagdaraos ng 2016 presidential elections. (Aiko Miguel / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481