MANILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na nabangga ng truck sa Veterans Village, North EDSA, Quezon City, dakong alas-10:30 nitong Martes ng gabi.
Nagtamo ng sugat sa baba, kamay at kaliwang paa ang motorcycle rider na si Rowell Chan, 28 anyos, nakatira sa Batasan Hills sa nasabing lungsod.
Tumilapon si Chan mula sa kanyang motorsiklo nang mabangga ng delivery truck.
Depensa naman ng driver ng truck na si Rodel Deligos, hindi niya napansin ang papalikong motorsiklo kaya’t nahagip niya ito.
“Hindi ko napansin na hinabol niya ako, eh nasa linya naman ako siya wala,” paliwanag nito.
Matapos malapatan ng first aid ay inihatid na ng grupo sa Quezon City General Hospital ang biktima. (Reynante Ponte / Ruth Navales, UNTV News)