Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

AFP, naka-red alert status simula Enero 10

$
0
0

AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sariwa pa man ang alaala sa mala-teroristang pag-atake sa mga sibilyan sa isang cafe sa Sydney, Australia noong nakalipas na taon, muling gumimbal sa buong mundo ang pamamaril ng tatlong armadong lalaki sa isang French magazine office nitong Miyerkules kung saan 12 ang nasawi.

Kaya naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naghahanda na dahil naman sa itinuturing nilang “biggest security challenge” para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ngayong taon ang “Papal visit” sa susunod na linggo.

Simula Sabado ay itataas na ng AFP sa red alert status ang buong pwersa nito.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr. na lahat ng mga tauhan ng AFP sa buong bansa ay kinakailangang nasa kani-kaniyang kampo.

Ito ay upang kung magkaroon man ng emergency o pangangailangan ay agad na makareresponde ang mga sundalo.

“Red alert – it means we should be 100 percent inside camp.”

Dagdag pa ni Catapang, ayaw ng AFP na makakita ng pagkakataon ang mga teroristang grupo na samantalahin ang pagdagsa ng mga tao sa mga itinakdang holiday.

“We don’t want to let the enemies of the state to take advantage.”

Ipinahayag din ng heneral na sa kasalukuyan ay marami pa ring challenges na kinakaharap ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas pagdating sa internal security.

“Marami kasing challenges tayo ngayon, may CNN, may BIFF, may ASG, may ROG, may MILF elements and then of course mga foreign terrorist organizations,” saad pa ni Catapang. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481