MANILA, Philippines – Pansamantalang sususpendihin ang permit to carry firearms outside of residence simula sa Huwebes, Enero 15 hanggang 19 kaugnay ng Papal visit.
Ilalagay din sa full alert status ang buong pwersa ng pambansang pulisya upang masigurong ligtas ang mga taong dadagsa sa Maynila at Leyte.
Sinabi pa ni Mayor na maaaring makasuhan ang sinomang mahuhuling magdadala ng baril sa nasabing mga petsa, maliban na lamang sa mga pulis at sundalo na naka-duty upang magbantay.
“Siguro kahit wala yung directive na yun ay ang ating mga kababayan ay we appeal na huwag silang magdala ng deadly weapons especially firearms,” paalala PNP PIO Chief, P/CSupt. Wilben Mayor. (UNTV News)