Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

18-anyos na suspek sa terror attack sa Paris, sumuko na

$
0
0

A call for witnesses released by the Paris Prefecture de Police January 8, 2015 shows the photos of two brothers, who are considered armed and dangerous, and are actively being sought in the investigation of the shooting at the Paris offices of satirical weekly newspaper Charlie Hebdo on Wednesday. REUTERS/Paris Prefecture de Police/Handout via Reuters

PARIS, France – Nanawagan ng tulong sa publiko ang French police para sa agarang ikadarakip ng magkapatid na suspek sa terror attack sa satirical magazine na Charlie Hebdo sa Paris, France.

Binalaan ng mga awtoridad ang publiko na armado at mapanganib ang mga suspek na sina Cherif Kouachi at kapatid nitong si Said.

Ang 18-anyos na suspek na si Hamyd Mourad ay sumuko na sa mga awtoridad at itinangging may kinalaman sa pag-atake.

Labing dalawa katao ang nasawi sa insidente kabilang ang dalawang pulis at sampung journalist kung saan apat sa mga ito ay kilalang cartoonist ng magazine.

Labing-isa naman ang nasugatan, samantalang apat pa ang nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa isang trabahador sa tapat ng opisina ng Charlie Hebdo, nakita niya ang dalawang nakaitim na lalaki na pumasok sa gusali na may dalang Kalashnikov submachine guns.

Ilang saglit lamang ay nakarinig siya ng sunod-sunod na putok na sinundan ng paglabas ng mga lalaking nakatakip ang mukha na nagpaputok pa sa gitna ng kalsada.

Sa isang video naman ay nakita ang pagtakas ng mga suspek sakay ng isang getaway vehicle na inabandona malapit lamang sa opisina ng Charlie Hedbo.

Kilala ang Charlie Hebdo na isang satirical magazine na may reputasyon sa paggawa ng kakatwang cartoons at sarcastic lines tungkol sa iba’t-ibang relihiyon, partikular na sa Islam.

Bago ang pag-atake nitong Miyerkules ay naglabas ng isang mensahe sa Twitter ang nasabing magazine tungkol sa ISIS leader na si Abu Bakr Al-Baghdadi.

Noong November 2011 naman ay nasunog ang opisina ng Charlie Hebdo matapos na mag-publish ng kakatwang artikulo at cartoon sketch tungkol kay Mohammed na ikinagalit ng mga Muslim sa France.

Nagdeklara na ng national day of mourning si President François Hollande sa bansa at tiniyak na maaresto at mapaparusahan ang mga suspek.

Samantala libu-libong tao ang nagtipon-tipon sa Central Paris upang kondenahin ang pag-atake.

Kinondena na rin ng mga world leader ang nasabing terror attack.

“I want to express my outrage at the despicable attack today against the French magazine Charlie Hebdo. It was a horrendous, unjustifiable and cold-blooded crime. It was also a direct assault on a cornerstone of democracy, on the media and freedom of expression. I extend my deepest condolences to the families and my best wishes to all those injured. We stand with the government and people of France,” pahayag ni United Nations Secretary-General Ban Ki-Moon.

“The most important thing I want to say is that our thoughts and prayers are with the families of those who’ve been lost in France, and with the people of Paris and the people of France. What that beautiful city represents — the culture and the civilization that is so central to our imaginations — that’s going to endure. And those who carry out senseless attacks against innocent civilians, ultimately they’ll be forgotten. And we will stand with the people of France through this very, very difficult time,” saad naman ni United States President Barack Obama.

Sa ngayon ay nakataas na ang highest security level sa France upang matiyak na hindi na mauulit ang pangyayari. (Piching Vizcarra / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481