UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 01/09/15) – Patuloy na nakaaapekto sa Luzon ang Amihan.
Sa pagtaya ng PAGASA, makararanas ng Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Caraga, Central Visayas at mga probinsya ng Leyte at Camiguin.
Ang Metro Manila, CALABARZON, Cagayan Valley, Cordillera, Bicol region at probinsya ng Aurora ay magkararanas din ng papulopulong mahinang pag-ulan habang ang iba pang lugar sa bansa ay mayroon ding papulo-pulong pag-ulan at thunderstorms.
Matataas ang mga pag-alon sa mga baybayin ng Luzon, Visayas at CARAGA kung saan mapanganib na pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Samantala, isang Low Pressure Area naman ang tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa linggo.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa at binabantayan ng weather agency kung ito ay magiging bagyo. (Rey Pelayo/UNTV News)