Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Satisfaction ratings ni VP Binay, bumagsak ayon sa huling survey ng SWS

$
0
0

GRAPHICS: Latest SWS Survey result for VP Jejomar Binay

MANILA, Philippines – Bumagsak sa record-low ang satisfaction ratings ni Vice President Jejomar Binay sa huling quarter ng taong 2014 batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Mula sa very good o +52 noong Setyembre ay bumaba ito sa good o +44.

Si Binay ay nahaharap sa iba’t ibang kontrobersiya ng umano’y kurapsyon noong alkalde pa siya ng Makati City.

Kabilang sa mga ipinupukol kay Binay ang umano’y overpriced na Makati City Hall II parking building at Makati Science High School, gayundin ang mahigit tatlong daang ektaryang lupain sa Rosario, Batangas na pag-aari umano ng pamilya Binay.

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang kampo ng bise presidente sa tiwala ng taumbayan sa kanya. Nanindigan rin ang kampo ni Binay na walang basehan at pamumulitika lamang ang lahat ng mga alegasyon laban sa bise presidente.

Gayunpaman, nananatiling angat pa rin si Binay kumpara sa ibang mga opisyal ng pamahalaan.

Bumaba sa moderate o katumbas ng +28 mula sa good o +36 ang rating ni Senate President Franklin Drilon.

Bumaba rin ang rating ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na mula +13 ngayon ay +11 na lamang.

Samantala, tumaas nang kaunti ang rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, na ngayo’y nasa +11 mula sa +10.

Bahagya ring tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa +34 noong ikatlong quarter sa +39 noong huling quarter ng 2014.

Samantala, para sa mga government institution, bumaba ng dalawang puntos ang satisfaction rating ng senado. Mula sa moderate o +28 noong September 2014 ay naging +26 na lamang ito.

Ang rating ng House of Representatives ay bumaba rin mula +21 sa +20.

Malaking pagbaba sa rating naman ang nakuha ng Korte Suprema na ngayo’y nasa moderate o +26 na lamang, mula sa dating good o +32.

Gayundin sa gabinete ni Pangulong Aquino, na may rating na neutral o +9 mula sa dating moderate o +18.

Isinagawa ng Social Weather Stations ang survey noong November 27 hanggang December 1, 2014 sa mahigit isang libong respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481