MANILA, Philippines – Magiging lima na ang C-130 aircraft na pagmamay-ari ng bansa sa oras na mai-deliver ang karagdagang dalawang C-130 aircraft sa first quarter ng 2016.
Binili ng Pilipinas sa Amerika ang dalawang C-130 aircraft na nagkakahalaga ng $55-million, at inaasahang maide-deliver sa first quarter ng 2016.
Sasagutin ng US foreign military financing ang $20 million bilang bahagi ng joint investment program ng Amerika at pagpapatatag sa kapasidad ng militar ng Pilipinas.
Matatandaang malaki ang nagawa ng C-130 sa paghahatid ng relief assistance at pagta-transport ng mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Tacloban. (UNTV News)