Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga nakumpiskang notebook at ledger, patunay ng mga drug transaction sa loob ng NBP

$
0
0

FILE PHOTO: Isa sa mga lugar sa loob ng New Bilibid Prisons (UNTV News)

MANILA, Philippines – Mas marami pang kontrabando at ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Muntinlupa Police sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Noong nakaraang sabado, muling nagsagawa ng surprise inspection ang mga awtoridad sa Maximum Security Compound ng bilangguan.

Dito na-recover ang ilang cellular phones, sex toys, mga iligal na droga, bladed weapons at humigit kumulang 600-libong piso mula sa mga kubol ng limang inmates.

Kinilala ang mga ito na sina Brando Ramirez, Joselito Valiente, Gianfranco Pasco, Engelbert Durano, at Noel Arnejo.

Kasunod nito ay iniutos na ni Justice Secretary Leila De Lima na ilagay sa hiwalay na disciplinary cell sa loob ng NBP ang limang inmates.

Pansamantala ring ipinagbawal ng kalihim ang pagbisita ng mga kaanak at abogado ng mga bilanggo.

Samantala, bukod sa mga ipinagbabawal na gamit, nakuha rin ng mga awtoridad ang ilang notebook at ledger na pinaniniwalaang ginagamit ng mga inmate sa mga drug transaction.

“What I can confirm to you is that they represent drug transactions,” saad ni De Lima.

Nagpapatuloy naman ang assessment ng NBI sa mga nakuhang notebook at ledger.

Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, “We admit it’s with us, and we will be checking the info we will get out of these notebooks, but definitely these notebooks will portray drug ops conducted inside.”

Dagdag nito, “May mga pangalan. Inaalam namin how it was transported to different areas.”

Bukod dito, nagpapatuloy na rin ang imbestigasyon ng NBI sa nangyaring pagpapasabog ng isang granada sa Building 5 ng NBP noong Huwebes.

Isang inmate ang namatay at labingsiyam ang sugatan sa nasabing insidente. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481