Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Amang”, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility

$
0
0

 

satellite image from PAGASA

satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 01/15/15) – Napanatili ng bagyong Amang ang taglay nitong lakas ng hangin na 65kph at may pagbugso na aabot sa 80kph.

Kaninang madaling araw ay pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility at dakong 4am ay namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 950km sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos ito ng West Northwest sa bilis na 19kph.

jtwc track 7am 011515_

TS “AMANG” track from Joint Typhoon Warning Center

 

Sa nakikita ng weather agency, posibleng hindi tumama sa bansa ang pinaka-sentro ng bagyo pero didikit ito at mahahagip parin ng kanyang ulap ang Silangan ng Visayas at Luzon bukas at sa Sabado.

Sa ngayong ay wala pa namang storm signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa subalit makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Eastern Visayas at CARAGA region.

Dahil naman sa pagiral parin ng Amihan ay makakaranas ng mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley at Cordillera habang ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng papulo-pulong mahinang pagulan.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makakaranas din ng papulo-pulong mga pagulan at thunderstorms.

Delikadong pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakayang pandagat sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon gayun din sa Eastern seaboards ng Southern Luzon at ng Visayas dahil sa taas ng mga pag-alon. ( Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481