Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Amang, posibleng tumama sa Eastern Samar mamayang hapon.

$
0
0

 

Screenshot_2015-01-17-06-17-47-1

UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5am, 01/17/15) – Lalo pang lumakas ang bagyong Amang habang papalapit ito sa bansa.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 220km East Southeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 100kph at may pagbugso na aabot sa 130kph.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 17kph.

Sa ngayon ay nakataas ang Signal # 2 sa Sorsogon, Masbate,Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar  ,Leyte at Biliran.

Sa mga lugar na ito ay makararanas ng masungit na lagay ng panahon.

Inaalerto din ang mga residente malapit sa coastal areas dahil maaari itong magdulot ng 2 metrong storm surge o pag-apaw ng tubig dagat.

Signal #1 naman sa Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Burias Island, Quezon, Polillo Island, Laguna, Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon , Southern Leyte, Northern Cebu, Cebu City, Camotes Island, Capiz, Aklan at Dinagat Island.

Mararanasan naman sa mga lugar na ito ang pagulan at pagbugso ng hangin.

Delikadong pumalaot ang mga sasakyang pangisda at malikiit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Luzon, Visayas at Silangan baybayin ng Mindanao.

Sa loob ng 6 hrs ay maaaring itaas narin ng PAGASA ang signal # 1 sa Cavite, Rizal, NCR at Bulacan.

Bukas ng umaga ay inaasahang nasa 20 km East Northeast ng Masbate City si Amang.

Sa lunes naman ng umaga at posibleng nasa 35 km South na ito ng Cabanatuan City habang sa martes ng umaga ay inaasahang nasa 125 km Northwest naman ng Laoag City.

Sa ngayon ay may lawak na 400km ang bagyo.

Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo ay maaari nitong maapektuhan ang CARAGA, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA, Metro Manila, Central Luzon at Northen Luzon. (Rey Pelayo/UNTV News)

 

 

 

 

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481