Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Amang, napanatili ang lakas habang papalapit sa Eastern Samar

$
0
0

gwsi11am011715_ gwpagasa011715_ GEOWEATHER CENTER (11am, 01/17/15) – Napanatili ng bagyong Amang ang taglay nitong lakas ng hangin na 100kph na may pagbugso na aabot sa 130kph.

Kaninang 10am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 120km sa East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar habang kumikilos ng Northwest sa bilis na 17kph.

Ngayong hapon o mamayang gabi ay inaasahang tatama ito sa Borongan City.

Sa ngayon ay nakataas ang Signal # 2 sa Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Burias Island Incl. Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar and Samar at Leyte incl. Biliran.

Sa mga lugar na ito ay makararanas ng masungit na lagay ng panahon.

Inaalerto din ang mga residente malapit sa coastal areas dahil maaari itong magdulot ng 2 metrong storm surge o pag-apaw ng tubig dagat.

Signal #1 Camarines Norte, Quezon Incl Polillo Island, Laguna, Rizal, Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Southern Leyte, Northern Cebu incl. Cebu City, Bantayan Island, Camotes Island, Northern Iloilo, Northern part ng Negros Occidental at Capiz.

Mararanasan naman sa mga lugar na ito ang pagulan at pagbugso ng hangin.

Delikadong pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Luzon, Visayas at Silangan baybayin ng Mindanao. (Rey Pelayo/UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481