Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong Amang, kasalukuyang nananalasa sa Dolores, Eastern Samar

$
0
0

new pic

UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 01/17/15) – Nag-landfall na ang Bagyong Amang sa Dolores, Eastern Samar.

Kasalukuyang binabaybay nito ang Northern Samar taglay ang lakas ng hangin na 100kph na may pagbugso na aabot sa 130kph.

Alas-kwatro ng hapon kanina ay namataan ito ng PAGASA sa layong 60km sa North Northeast ng Borongan City, Eastern Samar habang kumikilos ng Northwest sa bilis na 19kph.

Sa ngayon ay nakataas ang Signal # 2 Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Southern Quezon Incl. Polillo Island, Sorsogon, Masbate, Burias Island Incl. Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar and Biliran.

Ang mga nasabing lugar ay makararanas ng masungit na lagay ng panahon.

Umiiral naman ang Signal #1 Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Quirino, Isabela, Rest of Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro and Romblon, Leyte, Southern Leyte, Extreme Northern Cebu Incl. Bantayan Island and Camotes Island.

Mararanasan sa mga lugar na ito ang pagulan at pagbugso ng hangin.

Base sa forecast track ng PAGASA dadaanan ng bagyo ang Bicol area sa mga susunod na oras.

Delikadong pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Luzon, Visayas at Silangan baybayin ng Mindanao. (Rey Pelayo/UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481