Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Konstruksyon ng Central Luzon Link Expressway, uumpisahan na ngayong 2015

$
0
0

Central Luzon Link Expressway or CLLEX Project Phase 1 Location Map (Courtesy: DPWH)

SAN FERNANDO CITY, Philippines – Aprubado ng Regional Development Council ang paglalatag ng P29.2 billion para sa konstruksyon ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX).

Inaasahan ngayong taon ay sisimulan na ang konstruksiyon ng 63-kilometer expressway na magdudugtong sa Tarlac at Nueva Ecija, at magpapabilis ng biyahe mula Metro Manila patungo sa hilagang bahagi ng bansa.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang unang phase ng proyekto ay nagkakahalaga ng P13-billion na may habang 28 kilometro na magmumula sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hanggang sa lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija.

Kaparehong halaga rin ang gugulin sa second phase ng proyekto na magmumula sa Cabanatuan hanggang San Jose City na may habang 35 kilometro.

“Tulad ng ginawa natin sa SCTEX at TPLEX, mas madadali na ang ating biyahe papunta ng Region 2. Bali ang daan nito dito sa part ng Nueva Ecija papunta sa San Jose City,” pahayag ni Loreta M. Malaluan, Asst. Regional Director ng DPWH Region III.

“Ito yung magko-connect sa SCTEX sa may bandang Tarlac o Lapaz going to Cabanatuan then going to San Jose city,” dagdag nito.

Sa pamamagitan ng nasabing two-lane expressway, magiging mabilis na ang biyahe mula Metro Manila hanggang Nueva Ecija at inaasahan rin na magpapabilis sa pag-unlad ng gitnang Luzon.

Mapagagaan rin nito ang trapiko sa Bulacan dahil dadaan na ang mga sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), SCTEX at CLLEX papuntang hilagang Luzon.

Aabutin naman ng mahigit dalawang taon ang konstruksyon ng itatayong expressway bago ganap na makumpleto.

Iginiit naman ng DPWH na hindi lang Gitnang Luzon ang makikinabang sa panibagong expressway na ito kundi maging ang mga lalawigan sa hilagang bahagi ng Luzon gaya ng Cagayan Valley at Isabela. (Joshua Antonio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481