Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kaanak ng mga biktima ng gumuhong pader sa Bulacan, nakatanggap ng financial assistance

$
0
0

Ang pagdalaw ni DPWH Secretary Rogelio Singson sa burol ng ilan sa mga nasawi sa pagguho ng pader sa Guiguinto, Bulacan nitong Enero 19, 2015. Sa pagdalaw na ito ay nag-abot rin ng tulong pinansyal ang naturang kalihim.  ( Willie Sy / Photoville International )

MALOLOS CITY, Philippines – Nakaburol na sa Brgy. 175, Camarin, Caloocan, ang apat sa 11 nasawi sa gumuhong pader ng ginagawang warehouse sa Guiguinto, Bulacan nitong Lunes.

Pasado alas-9 kagabi nang maihatid ang mga labi ng magkapatid na Jacinto at Rodolfo Nayanga, at ang magpinsan na sina Jonathan Sagayap at Edmond Labagala.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, nakatanggap na sila ng financial assistance mula sa kumpanya na nagmamay-ari ng warehouse na nagkakahalaga ng P15,000 para sa pagpapalibing at P50,000 para sa iba pang gastusin.

Bukod sa kumpanya ay nagpaabot na rin ng financial assistance ang lokal na pamahalaan ng Caloocan.

Sa ngayon ay walang plano ang mga kaanak ng biktima na magsampa ng kaso laban sa naturang kumpanya.

Ayon sa kanila, aksidente lamang ang nangyari kaya’t wala namang dapat sisihin.

“Ganun din di naman nila sinasadya na mangyari yung ganun eh, wala namang may gusto nyan eh, aksidente lang talaga,” pahayag ni Nora Nayanga, asawa ng biktima.

Nitong Miyerkules ay personal na nagtungo sa burol si DPWH Secretary Rogelio Singson upang personal na magpaabot ng pakikiramay sa mga kaanak ng mga biktima at upang magbigay rin ng kaunting tulong.

Ayon kay Sec. Singson, kakailanganin pa ang resulta ng kanilang imbestigasyon bago matukoy ang tunay na sanhi ng insidente.

“Ayaw ko lang po mag-conclude pa until we get the final technical evaluation,” anang kalihim.

Dagdag nito, “They will have to give us time to determine kung ano talaga yung cause.”

Inaasahang ilalabas ng DPWH ang resulta ng imbestigasyon sa trahedya sa susunod na linggo. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481