Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, nagluluksa sa pagkamatay ng nasa 30 miyembro ng SAF sa Maguindanao

$
0
0

Malungkot na ginunita nitong Lunes ang ika-22 taong pagkakatatag ng Pambansang Pulisya dahil sa 30 miyembro ng PNP-SAF na nasawi sa Mindanao nitong Linggo, Enero 25, 2015. Pinangunahan nii DILG Secretary Mar Roxas ang pag-alaala sa mga nasawi. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Binalot ng lungkot ang pagdiriwang ngayong araw ng ika-22 founding anniversary ng Philippine National Police (PNP).

Nagdadalamhati ang buong pwersa ng pambansang pulisya dahil sa sinapit ng mga tauhan at opisyal ng PNP-Special Action Force (SAF) laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Pidsanwadan, Mamasapano, Maguindanao nitong Linggo.

Bilang simbolo ng kanilang pagluluksa, inilagay sa half-mast ang bandila sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman Mar Roxas, napatay ang mga pulis dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.

“It is at half mast in all PNP camps all over the country, signifies our respect, admiration and our acknowledgement in the ultimate sacrifice of our reverend gave in line of duty,” ani Roxas.

Nagsagawa din ng wreath laying o pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng mga bayani sa loob ng Camp Crame bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga pulis na nagbuwis ng buhay dahil sa bayan.

Hiniling naman ni Sec. Roxas sa mga aktibong pulis na sanay huwag mawalan ng saysay ang pagkamatay ng kanilang mga kasamahan sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maayos.

“We give them respect and we honor them by what we do everyday, kung gano kasinop, kung gano kadelikado, kung gano katotoo tayong tumutugon sa ating tungkulin.”

Matapos ang flag-raising ceremony ay agad na nagtungo sa Cotabato si Sec. Roxas, kasama sina PNP officer in charge Deputy Dir. General Leonardo Espina, AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang, upang i-assess ang sitwasyon at tiyaking hindi na lalala ang gulo.

Batay sa ulat, pinasok ng SAF ang kuta ng MILF upang hulihin ang Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir o mas kilala sa tawag na “Marwan”, na kabilang sa most wanted terrorist list ng US Federal Bureau of Investigation (FBI), gayundin si Basit Usman na nagsanay sa paggawa ng bomba sa Pakistan at Afghanistan noong 1980 na umano’y nagtatago sa kuta ng MILF. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481