Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Day of mourning para sa mga nasawing SAF members, ipinanawagan ng mga kongresista

$
0
0

(Left-Right) MAGDALO Representatives Gary Alejano and Ashley Acedillo, Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil and ACT-CIS party-list Representative Samuel Pagdilao (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naging emosyonal si Magdalo Party-list Representative Gary Alejano habang ipinananawagan na magdeklara ang gobyerno ng isang araw na pagluluksa bilang pagkilala at pakikiramay sa mahigit 40 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) at sibilyan na brutal na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao noong linggo.

“Kailangan nating protektahan ang ating tropa dahil ang tropa natin sumusunod lang yan sa utos hindi nila gagawin yan kung hindi sila binigyan ng orders.”

“Because as a former soldier its is very important we see our leader standing behind the troops.”

Si Alejano ay dating sundalo na napalaban na rin sa mga bandidong grupo sa Maguindnao.

Ayon sa kanya, panahon na upang hanapan ng hustisya ng gobyerno ang pagkamatay ng dati nilang kasamahan.

“Our call of the president through OPPAP to demand to the MILF to return all the firearms, equipment and everything that they have stolen from the SAF if they are sincere enough in this peace process they should return that.”

Nananatili naman ang suporta ng mga kongresistang dating sundalo at pulis sa panukalang Bangsamoro Basic Law, ngunit nais muna anilang matapos ang imbestigasyon sa insidente bago ipagpatuloy ang pagdinig sa BBL.

Sinabi ni Magdalo Party-list Representative Ashley Acedillo, dapat maging maingat ang gobyerno sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamumuno sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“Once they have control of the government there once they have their own police force you think it will be better? It will be worst ladies and gentlemen,” saad ni Acedillo.

Para naman kay Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil na dating PNP Chief at naging battalion commander ng Special Action Force sa Maguindanao noong 1992. Dapat muna aniyang alamin ang level of coordination sa mga ganung insidente upang hindi na maulit ang trahedya.

“Kung ako ang PNP director ng SAF, I will query to the chief PNP and the Chief PNP will have to clear it with the president through the SILG so that would be the chain of communication,” ani Bataoil. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481