Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Jesus, I Love You”, pasok na sa grand finals ng ASOP Year 4

$
0
0

(Left-Right) Ang tambalang Lloyd Zaragosa at Timothy Joseph Cardona para sa papuring awit na “Jesus, I Love You” na pumasok bilang ika-limang grand finalist sa ASOP Year 4. (FRED ALVIOR / Photoville International)

MANILA, Philippines – Kahit first time na sumabak sa isang kompetisyon ng R&B singer at kapatid ng ASOP guest judge na si Jessa Zaragoza, na-enjoy nang husto ni Lloyd Zaragoza ang kanyang rendisyon sa monthly finals ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi.

Ito ang kauna-unahang pop standard genre na nakapasok sa grand finals ng ASOP Year 4 sa panulat at melodiya ni Timothy Joseph Cardona.

Ayon kay Timothy, “Masayang, masayang, masayang, masayang, masaya po. Sobrang saya. Salamat sa ASOP sa pagbibigay ng chance sa lahat ng songwriter na bago. Maraming salamat.”

“Siguro dahil sa Kanya (sa Dios) kaya ako, at least, like I said a while ago na nakaiwan kami ng inspirasyon sa mga taong nanood kanina,” masayang pahayag ni Lloyd.

ASOP Monthly Finals Contestants. (FRED ALVIOR / Photoville International)

Dinaig ng naturang feel good music sa score ng mga huradong sina Doktor Musiko Mon Del Rosario, OPM icon Maricris Bermont-Garcia at The Dawn front man Jet Pangan ang mga awiting “Sa Pangalan Mo” ni Robert Saballa sa rendisyon ni Philippe Go at “Ikaw Lamang Ang Sinasamba’ ni Randy Pusing sa interpretasyon naman ng Bueno Sisters. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

ASOP Judges (MADZ MILANA / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481