Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senate probe sa Mamasapano incident, itinakda sa February 4

$
0
0

FILE PHOTO: Senators JV Ejercito, TG Guingona and Grace Poe (UNTV News)

MANILA, Philippines – Itinakda na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Pebrero 4 ang imbestigasyon kaugnay sa bloody incident sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro at opisyal ng PNP-Special Action Force.

Batay ito sa inihaing resolusyon nina Senador Grace Poe, Sen. Teofisto Guingona III, Sen. JV Ejercito at Sen. Jinggoy Estrada.

Aalamin ng senado ang tunay na mga pangyayari sa operasyon na isinagawa ng mahigit sa tatlong daang miyembro ng PNP-SAF upang dakpin ang bomb maker na si Marwan na miyembro ng terrorist group na Jemaah Islamiah.

Pinahaharap din sa imbestigasyon ang mga pinuno ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Dahil sa pangyayari sa Mamasapano, nag-withdraw ng kanilang authorship sa proposed Bangsamoro Basic Law sina Senador Alan Peter Cayetano at Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito.

“Bilang ka-partner ng pamahalaan, kinakailangan natin makita ang sinseridad ng MILF,” ani Sen. Ejercito.

“I don’t see any sincerity with what happened to our police man, with what happened with me in uniform,” dagdag nito.

Hindi naman aniya nagwi-withraw si Senador Bam Aquino subalit nais rin niyang malaman ang tunay na pangyayari sa Mamasapano.

“I think so, I think so, I can understand some of the senators na nagkaroon ng apprehension, but ako hindi sya either or… I’m not withdrawing, as I said, we have to continue the process,” ani Sen. Aquino.

Nanawagan naman si Senate President Franklin Drilon sa MILF na isuko na sa mga awtoridad ang commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Basit Usman at lahat ng sangkot sa Mamasapano massacre.

“If they will surrender the suspects in these heinous acts and help arrest USMAN, the MILF will show that they are one with the government in the pursuit of genuine and lasting peace, and that the government has made the right decision in negotiating a peace pact with them, because they are and will always be on the side of justice and harmony.”

Naniniwala si Sen. Drilon na sa kabila ng kalunos-lunos na pangyayari sa Mamasapano ay hindi ito magiging hadlang upang makamit ang ganap na kapayapaan sa Mindanao. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481