Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNoy, magbibigay ng mensahe mamaya kaugnay ng Maguindanao incident at peace process

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III (Malacanang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Nakatakdang magbigay ng mensahe mamaya si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng sinasabing misencounter ng PNP-Special Action Force at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 pulis.

Ayon sa Malakanyang, ala-6:30 ngayong gabi ay magbibigay ng mensahe ang pangulo mula sa palasyo ng Malakanyang na ipalalabas sa telebisyon nationwide.

Kinumpirma ni Presidential Communication Secretary Herminio “Sonny” Coloma Junior na sa public address ni Pangulong Aquino ay ihahayag nito ang kaniyang posisyon sa insidente, at ang isyu ngayon sa pagsasabatas ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ilang araw makalipas ang Mamasapano massacre ay wala pang ipinalalabas na pahayag ang Malakanyang ukol dito at kung magdedeklara ng national day of mourning para sa mga nasawing miyembro ng PNP-Special Action Force.

Samantala, ipinagkibit-balikat lamang ng Malakanyang ang sinabi ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na “all out war” ang solusyon upang matapos ang kaguluhan sa Mindanao.

Ayon kay Secretary Coloma, mas mabuting bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan dahil hindi naman naging solusyon ang matagal ng pakikipag-giyera sa mga rebelde sa rehiyon. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481