MANILA, Philippines – Handang-handa na si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) mamaya sa Batasang Pambansa.
Katulad ng kaniyang mga nakaraang SONA, sa wikang Pilipino idi-deliver ng pangulo ang kanyang speech.
Ito ay upang higit na maintindihan ng pangkaraniwang mamamayan ang kanyang mensahe.
Inaasahan na ibibida mamaya ng pangulo sa kaniyang SONA ang naging paglago ng ekonomiya ng bansa gayundin ang development ng Bangsamoro Framework Agreement.
Ito na ang ika-apat na SONA at ika-75 sa kasaysayan ng bansa.
Samantala, Ipinahayag ni Commander Ramon Mateo Dizon na nasa red alert status ngayon ang Presidential Security Group (PSG).
Tatagal ang red alert status hanggang mamayang gabi pagkatapos ng SONA ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)