Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang, umapela sa PNPA alumni na pag-isipang mabuti ang planong panawagang mass leave

$
0
0

FILE PHOTO: Presidential Communication Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Umapela ang palasyo ng Malakanyang sa Philippine National Police Academy Alumni Association Inc. (PNPAAAI) na pag-isipan at timbanging mabuti ang plano nitong manawagan ng 5-day mass leave sa may apat na libong miyembro nito.

Ang mass leave ay bilang protesta sa pagkasawi ng 44 na miyembro ng PNP-SAF na sinasabing mis-encounter sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., nirerespeto nila ang pananaw ng grupo.

“Lahat naman ng mahalagang dapat ipahayag hinggil dito ay tinukoy na ni Pangulong Aquino at sana ay isaalang-alang nila ito sa kanilang pagpapasya,” saad nito. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481