Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

De Lima, inireklamo sa Ombudsman

$
0
0

Atty. Ferdinand Topacio and DOJ Sec. Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines – Inireklamo sa Office of the Ombudsman si Justice Secretary Leila De Lima dahil sa umano’y paglabag sa karapatan ng mga preso kaugnay ng paglilipat ng labing siyam na inmates sa National Bureau of Investigation (NBI) mula sa national penitentiary.

Sa walong pahinang reklamo na isinumite ni Atty. Ferdinand Topacio, pinapakasuhan niya si Sec. Leila De Lima at isang opisyal ng National Bureau of Investigation.

Ayon kay Topacio, nilabag nila De Lima ang Republic Act 7438 o ang karapatan ng mga preso at RA 9745 o Anti Torture Law.

Sa labinsiyam na presong inilipat, apat ang kliyente ni atty. Topacio na sina Noel Martinez, Willy Sy, Michael Ong Chua At German Agojo.

Aniya, mental torture umano sa mga preso ang ma-incommunicado at hindi mabisita ng kanilang pamilya sa NBI kahit pa noong holiday season.

Kahit mga abogado ng mga preso ay hindi rin pinapahintulutan na makita ang kanilang mga kliyente.

Naghain na rin ng reklamo sina Topacio sa Commission on Human Rights at nagsumite ng motion for issuance of writ of amparo sa Court of Appeals para magpaliwanag si Sec. De Lima sa kanyang naging desisyon.

December 15, 2014 nang ilipat ang mga preso sa NBI matapos ang serye ng mga raid sa New Bilibid Prison na nagbigay daan para mabunyag ang marangyang pamumuhay ng mga preso sa loob ng bilangguan.

Sa ngayon ay pagaaralan pa ng Office of the Ombudsman kung may sapat na basehan ang reklamo laban kay Sec. Leila De Lima bago ito sampahan ng kaso sa Sandiganbayan. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481