Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Full automation ng court system sa bansa, ipinanawagan ni CJ Sereno

$
0
0

FILE PHOTO: Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno (UNTV News)

MANILA, Philippines – Plano ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na papondohan sa Kongreso ang automation ng court systems sa buong bansa upang mapangalagaan ang mga court record.

Ito’y matapos ang nangyaring sunog sa hall of justice sa Cagayan De Oro noong Enero 30, kung saan maraming court records ang nasunog.

Namatay din sa nasabing sunog ang isang court worker at isang security guard.

Nauna rito ay nasira rin ang mga court record sa Tacloban City nang manalasa ang Bagyong Yolanda.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 2,000 hall of justices sa buong Pilipinas.

“We are going to start the bidding already for the infrastructure of some of our components as you know that the automation project that the court has is a multi-million project,” ani Sereno.

Nananawagan rin ang Chief Justice sa publiko para sa technical support na kakailanganin sa naturang proyekto.

“I really need the help of Filipinos kasi alam naman natin that we have a lot of creativity and technical talents to contribute, we’re going to make a call to the public to help us please.”

Magugunitang noong Hunyo 2013 ay inilunsad naman ang electronic courts o e-courts para sa mas mabilis na filing ng mga kaso at transaksyon sa iba’t ibang sangay ng hukuman sa bansa.

“The electronic court system is being rolled out at a very fast phase I hope to come back to you in a few months on report more successes and more completions, by 2016 we should already have at least 25% of our courts in an electronic basis,” saad pa ni Sereno.

Samantala, itinalaga ni Chief Justice Sereno sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Deputy Court Administrator Jenny Lind Aldecoa-Delorino at Chief of Staff Lawyer Honey Oliveros upang inspeksyunin ang nasunog na gusali, gayundin ang temporary site kung saan pansamantalang mag-oopisina ang court judges ng Cagayan De Oro. (Aiko Miguel, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481