MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakatakdang magbigay ng mensahe mamayang gabi si Pangulong Benigno Aquino III pagkatapos ng nangyaring Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).
Sa kakalabas lamang na advisory mula sa Malakanyang, ala-6:30 ng gabi magbibigay ng mensahe ang Pangulo mula sa Palasyo ng Malakanyang na ipalalabas sa telebisyon nationwide.
Inaasahang dito muling magbibigay ng mensahe ang pangulo kaugnay ng Mamasapano incident at ang tungkol sa napapabalitang resignasyon ni suspended PNP chief General Alan Purisima. (UNTV News)