Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Satisfaction rating ni Pangulong Aquino, nananatiling mataas — SWS

$
0
0
Si Pangulong Benigno Aquino III (center) kasama sina Senate President Franklin Drilon (left) at House Speaker Sonny Belmonte sa ika-apat na SONA na ginanap sa Batasang Pambansa, Quezon City nitong Lunes, Hulyo 22, 2013 (Photo by: Benhur Arcayan / Malacanang Photo Bureau).

Si Pangulong Benigno Aquino III (center) kasama sina Senate President Franklin Drilon (left) at House Speaker Sonny Belmonte (right) sa ika-apat na State of the Nation Address na ginanap sa Batasang Pambansa, Quezon City nitong Lunes, Hulyo 22, 2013 (Photo by: Benhur Arcayan / Malacanang Photo Bureau).

MANILA, Philippines — Nananatiling mataas ang satisfaction, trust at performance ratings ni Pangulong Benigno Aquino III.

Batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 2nd quarter ng taon, nakakuha ng 76% satisfaction rating ang Pangulo. Mas mataas ito ng dalawang puntos kumpara noong unang bahagi ng taon na may 74% satisfaction rating.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagpapatunay lamang ito ng maayos na pamamahala at tiwala ng taumbayan sa kasalukuyang administrasyon.

Isa na rito ang mataas na kredibilidad ng nakalipas na automated midterm elections noong Mayo.

“The President’s consistently strong ratings, especially in the wake of a midterm election widely regarded as a referendum on the success of his administration, affirm our administration’s mandate of good governance.”

Sinabi pa ni Lacierda na repleksyon din ito na nagtitiwala at sinusuportahan ng taumbayan ang mga inisyatibo ng gobyerno sa pagpapatupad ng reporma sa bansa.

“These sustained, positive numbers are reflective of the Filipino people’s enduring trust in and support of the President’s policies, initiatives, and reforms.”

Samantala, sinabi ng Pulse Asia na nananatiling mataas ang performance rating ni Pangulong Aquino.

Batay sa resulta ng latest survey ng Pulse Asia, pumalo pa sa 77% ang trust rating ng pangulo sa ikalawang bahagi ng 2013. Mas mataas ito ng 5 puntos kumpara noong unang bahagi ng taon na may 72% trust rating.

Sinabi pa ni Lacierda na nananatiling matatag ang administrasyon sa pagharap sa mga hamon sa mga susunod pang tatlong taon upang higit pang pagbutihin ang pagtahak sa tuwid na landas.

“Today, as the President fulfills a constitutional duty to report to the Filipino people, we continue to be strengthened in our resolve to soldier on the path towards good governance and face the challenges of the next three years knowing our countrymen are solidly behind his leadership.” (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481