MANILA, Philippines – Kukuha ng crash course si newly elected senator Nancy Binay sa National College of Public Administration and Governance sa University of the Philippines (UP-NCPAG) bilang paghahanda sa kanyang pag-upo sa senado.
Ayon kay Binay, nais niyang pag-aralan ang mga pangunahing panuntunan at istruktura ng Senado.
Kasama aniyang mag-e-enroll ang kanyang staff.
Sinabi rin ng bagong halal na senador na hiningi na niya ang tulong nina senador Loren Legarda at Jinggoy Estrada para gabayan siya sa unang pagsabak sa senado. (UNTV News)