Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagkuha ng mga dokumento na kailangan ang certificate mula sa PSA, inaasahang mas mapapabilis sa 2017

$
0
0

Philippine Statistics Authority (PSA) head Dr. Grace Bersales (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan pang personal na kumuha ng forms o certificate sa Philippine Statistics Authority (PSA) kapag naipatupad ang e-governance ng ahensiya sa 2017.

Ayon sa PSA, sa e-governance, may access na ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaya magiging mabilis na ang serbisyo nito sa publiko.

Halimbawa na lamang ay ang pagkuha ng passport kung saan kailangan muna na kumuha ng birth certificate at iba pang clearance bago pumunta sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa e-governance, deretso na sa DFA dahil ito na mismo ang makikipag-transaksiyon sa PSA at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa kailangang dokumento tulad sa pagkuha ng passport.

“Mag-authorized nalang sila sa application nila sa passport sa DFA na ang DFA na ang kukuha ng kanilang birth certificate sa PSA,” ani PSA head Dr. Grace Bersales.

Sa Philippine Statistics Authority kumukuha ng mga dokumento tulad ng birth at death certificate, marriage certificate, at certificate of no marriage.

Magagamit din ang e-governance sa application para sa membership tulad sa Philhealth at sa Department of Trade and Industry (DTI) kung gusto namang magnegosyo.

Nilinaw ng PSA na may kaukulan pa ring bayad ang mga forms o certificate na magmumula sa kanila.

“Magbabayad parin sila ng forms or certificates na yun pero pwede nalang doon sa pag-apply nila kasama sa bayad sa passport siguro,” ani Bersales.

Sisikapin naman ng PSA na matapos ang programa sa itinakdang panahon.

“This year inaayos namin yung phase 2 ng Civil Registration System so pag naayos na po yun in two years dapat magawa na namin yung e-governance na initiative na yan,” saad pa ni Bersales. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481