Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, prayoridad ang pagpapagaling ng mga nasugatang SAF troopers

$
0
0

FILE PHOTO: PNP General Hospital entrance (UNTV News)

MANILA, Philippines – Prayoridad ngayon ng pamunuan ng pambansang pulisya ang mabilis na paggaling ng mga nasugatang SAF trooper sa Mamasapano clash.

Sinabi ni PNP PIO chief Police Chief Supt. Generoso Cerbo na bukod sa pagpapagaling sa mga tinamong sugat ay dadaan din sa psychiatric treatment ang nakaligtas na SAF commandos upang mawala ang trauma dulot ng madugong laban sa MILF and BIFF.

“Patuloy na titingnan yung kanilang medical needs as well as yung kanilang mental health, merong mga psychiatric social test na ginagawa sa kanila at hindi namin sila bibitawan hangga’t di sila completely recovered from their injury,” ani Cerbo.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng PNP General Hospital sa pamamagitan ng text message na nagpapagaling na lamang ang mga nasugatang pulis at hinihintay na lamang ang clearance upang makalabas ng ospital.

Ayon pa kay Dr. Santos, ang iba sa mga ito ay inirekomendang sumailalim sa physical therapy. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481