CEBU, Philippines – Idinadaing ng isang babae ang pananakit ng siko at paa matapos mabundol ng motorsiklo sa Compostela, Cebu pasado alas-8 gabi ng Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Delia Librero, 53 anyos, nakatira sa Panangban, Compostela, Cebu.
Ayon sa biktima, patawid siya ng kalsada nang mahagip ng manibela ng paparating na motorsiklo.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Judelyn Peralta na taga Danao, Cebu.
Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team si Librero at dinala sa Mendero Hospital.
Nangako naman ang rider na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng biktima. (Marlhon Abique / UNTV News)