Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

COMELEC umaasang maipapasa sa lalong madaling panahon ang BBL

$
0
0

FILE PHOTO: Senate hearing on Mamasapano (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa gitna ng maiinit na diskusyon kaugnay sa Mamasapano encounter na nakaapekto sa pag-usad ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL), umaasa naman ang Commission on Election (COMELEC) na maipapasa pa rin ito ng maaga.

Ayon kay COMELEC Commissioner Luie Guia, anim na buwan ang kanilang itinuturing na comfortable time upang mapaghandaan ang plebisito para sa BBL kaya umaasa silang maaga itong maipapasa.

Tatlong buwan dito ay ilalaan sa bidding para sa mga kakailanganing gamit sa plebisito.

“We would prefer na mapasa ng maaga mas madali sa amin ang pagpapatakbo ng plebisito,” ani Guia.

Una nang inabisuhan ng COMELEC ang kongreso na kailangan nila ng anim na buwan upang maayos na mapatakbo ang plebisito, subalit suspendido sa ngayon ang pagdinig ng dalawang kapulungan ng kongreso sa proposed BBL.

Sa panayam ng programang Get it Straight with Daniel Razon kay Commissioner Guia, sinabi nito na kasalukuyang naghahanda rin ang komisyon para sa 2016 elections kaya target nilang maisagawa ang plebisito bago mag-Disyembre ngayong taon.

“May 2016 yung aming nga pag-configure, pag-finalize ng mga configuration para pasok sa election management system namin mga December to hindi na dapat umabot ng January actually,” ani Guia.

Ngunit ayon kay Guia kung sakaling maipasa ang BBL nang lampas na sa kanilang target, sisikapin pa rin nilang magampanan ang mandato na isagawa ang plebisito kahit sa gipit na panahon dahil nakasalalay dito ang usapang pangkapayapaan.

“Mahirap sabihin kung mahihirapan pag ang call ay implement, i-implement po namin ang aming makakaya bagama’t ang sinasabi namin ay anim na buwan ang aming panahon yung comfortable time for us to prepare for the plebiscite pero tingnan natin,” saad pa nito.

Ang pondo naman para sa plebisito ay mapapaloob na sa proposed BBL.

Mahigit sa P670 million ang unang hinihinging budget ng COMELEC para sa plebisito ng Bangsamoro political entity ngunit hindi ito inaprubahan ng budget department dahil isasama na lamang sa proposed BBL ang pondo para dito. (Victor Cosare / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481