Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Higit 120-libong beterano, patuloy na nananawagan sa pamahalaan para sa kanilang P18-B pension claim

$
0
0

CAUSA AFPRPNCC Chairman retire Major Alfonso Besario (UNTV News)

MANILA, Philippines – Isang malaking grupo ng mga retiradong kawal ang muling nanawagan sa pamahalaan na sana’y maipagkaloob na ang backlog sa kanilang pensyon na umabot sa P18-billion.

Ayon sa Conference-Assembly for Unity and Solidarity of Associations in the Armed Forces and Police Retirees, Veterans Pensioners Inc., ang arrearages sa kanilang pensyon ay mula pa noong taong 2000 hanggang 2012.

“Maawa na po kayo sa mga pensioner, nagpipila na po sa libingan ng mga bayani, Tuesday 5, Thursday lima, Saturday 5, 15 a week, 60 na namamatay na bayani a month,” panawagan ni retired Lt. Col. Buenaventura Aguilar, Secretary General ng CAUSA AFPRPNCC.

Sa ikalawang taon ng pagkatatag ng grupo, ipinaliwanag nila sa kanilang mga kasamahan ang mga benepisyong dapat nilang matanggap.

Ayon sa grupo, nakasaad sa Section 17 ng Presidential Decree 1638 na sa pagtaas ng basic pay ng mga active military personnel ay dapat na tumaas din ang pensyon at benepisyo ng mga retirado.

Isa sa mga ito ay si retired Technical Sgt. Jesus Anino.

Nabulag ito matapos tamaan ng bala nang salakayin ng mga rebelde ang kanilang detachment sa Quezon noong 1984.

Kwento nito, kulang na kulang umano ang kanyang tinatanggap upang matustusan ang pagaaral ng kanyang mga anak.

“Yung para sa akin kung maibigay nila ay madadagdagan ko yung pagpapagawa ko sa aking bahay saka yung sa mga anak ko mapatapos ko sila,” saad ni Anino.

Mahigit isang taon na nang maisumite ng grupo ang kanilang petisyon sa Commission on Audit (COA).

“Bakit ang AFP Pension and Gratuity Management Center ay nag-issue ng ganun kalaki sa kanila galing yun hindi naman samin,” pahayag ni CAUSA AFPRPNCC Chairman retire Major Alfonso Besario.

Kasabay ng pagdiriwang ay isang medical mission ang isinagawa ng grupo sa Sampaloc, Tanay, Rizal.

Marami anila sa kanila at mga kaanak ay nangangailangan pa ng gamot at atensyong medikal kung kaya giit nila na sana ay mapagbigyan ang kanilang hinihingi na bahagi ng kanilang karapatan bilang mga dating nagserbisyo sa bayan. (Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481