DAVAO CITY, Philippines — Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ang amended liquor ban ordinance sa Davao City.
Isa ang amended liquor ban ordinance sa mga pangunahing ordinansang hininging isabatas ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang mabawasan ang mga krimen na kinasasangukutan ng mga nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.
Sa amended liquor ban pinaiksi na ang oras na maaring bumili at mag-inuman sa mga pampublikong lugar at mga bars.
Sa lumang batas, hanggang alas-dos pinapayagan ang pag-iinuman sa mga public places.
Ngayon, mula ala-una ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga, hindi maaring uminom ng alak sa buong Davao City.
Hindi rin exempted sa liquor ban ang mga hotel na nagca-cater sa mga turista .
Ayon kay Duterte dapat ipatupad at sundin ang batas ng lahat Pilipino man o banyaga.
Ang multa ay 3,000 piso sa first offense, P5,000 naman at 3 buwang pagkakabilanggo sa second offense at P5,000 at isang taong pagkakakulong naman sa third offense.
Kapag nailathala na sa mga pahayagan ay simula na rin ng pagpapatupad ng inamiyendahang liquor ban. (LOUELL REQUILMAN, UNTV News)