CAMARINES SUR, Philippines — Muling hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 5 ang publiko, lalo na ang mga mamamayan ng Bicol na magtanim na magtanim ng bakawan dahil sa malaking tulong na naidudulot nito
Ani BFAR Region 5 Director Dennis del Socorro, “Dapat yung kalikasan bigyan nila ng diin lalong lalo na ang bakawan. Isa yan sa mga nakaka-protect dahil pag marami ang alon breaker zone yun. Once na breaker zone, yung mga isda nandyan yan lahat yung mga nangingitlog.”
Kasabay naman ng paghikayat sa mga fisherfolk na magtanim ng bakawan nagbigay din ng babala ang ahensya sa mga kababayan nating mapagsamantala sa pagsira ng ating kalikasan lalo na sa mga bakawan.
May mga batas di umanong maaaring malabag ang sinomang nagpaplanong sumira sa mga bakawan.
Dagdag pa ni Del Socorro, “Kahit anu gawing tulong ng gobyerno kung wala tayo nito… kaya ang number 1 dito ang pagmamalasakit… first malasakitin natin ang sarili natin isipin natin kung anu ang pwede nating gawin sa mundong ito para sa karamihan.” (ALLAN MANANSALA, UNTV News)