Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Manila Government, nilabag ang mandato ng ahensya sa magpatupad ng bus ban — LTFRB

$
0
0
 “Sa mandato ng LTFRB, may mga nalabag sila yung mga franchise na inisyu ng LTFRB kasi this are permanent routes eh, proved yan, may stamp ng National Government yan so it must be respected.” — LTFRB Spokesperson Sonia del Mundo (UNTV News)

“Sa mandato ng LTFRB, may mga nalabag sila yung mga franchise na inisyu ng LTFRB kasi this are permanent routes eh, proved yan, may stamp ng National Government yan so it must be respected.” — LTFRB Spokesperson Sonia del Mundo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nilabag umano ng pamahalaan ng Maynila ang mandato ng LTFRB  ng ipatupad ang bus ban.

Ayon sa LTFRB, karapatan nila ang magtakda ng mga ruta sa bawat prangkisa kaya’t sila din ang may karapatan na mag-alis o mag amyenda dito.

“Sa mandato ng LTFRB, may mga nalabag sila yung mga franchise na inisyu ng LTFRB kasi this are permanent routes eh, proved yan, may stamp ng National Government yan so it must be respected,” ani LTFRB Spokesperson Sonia del Mundo.

Bilang isang regulatory body, sinabi ng LTFRB na maaari naman nilang amyendahan ang prangkisa kung nakipag-usap lamang ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa kanila.

“Pwede amyanedahan yun. In fact, katulad ng sa integrated bus, iikilian. Pwede umikli yung prangkisa, babaguhin yung ruta, may stop dun, may destination. Yun lang, hanggang dun lang sila,”dagdag pa ni Del Mundo.

Dahil sa hindi maayos na pakikipag-usap ay nagbunga ito ng kalituhan at abala sa napakaraming mga commuter na pumapasok at lumalabas sa Lungsod ng Maynila.

Ayon naman sa pahayag ni Vice Mayor Isko Moreno, may karapatan ang mga LGU na mag-regulate ng mga lansangan sa kanilang nasasakupan, maging ang pagsasara ng mga ito.

Depensa naman ng tagapagsalita ng LTFRB, “Kasi these are national roads na kung saan dumdaloy ang ang ating mga sasakyang pampubliko. Hindi ito nag-ooperate lang sa loob ng lokal na gobyerno.

Ayon pa sa LTFRB, isa sa mga solusyon na nakikita nila ay ang idulog ito sa korte, ngunit kailangang mayroong partido na magrereklamo sa kanilang tanggapan.

Pahabol ni Del Mundo, “…sa nangyayari ngayon na naputol yung prangkisa, pwede nila dalhin sa court.” (MON JOCSON, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481