MANILA, Philippines — Interesado ang Malakanyang na malaman ang mga pangalan ng sinasabing malalaking pwersa o mga pangalan na nasa likod ng talamak na korapsyon sa Bureau of Customs.
Kaugnay nito, dumipensa na ang Malakanyang sa usapin na ang isa umano sa mga padrino ng mga smuggler ay nasa loob mismo ng Palasyo.
Isa sa mga lumulutang na pangalan ay si Executive Secretary Paquito Ochoa na siyang nagrekomenda sa isa sa mga deputy commissioner ng BOC.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inamin ni E.S.Ochoa na siya nga ang nagrekomenda kay Atty. Peter Manzano na maging deputy commissioner ng Customs.
“I had occasion to speak to the Executive Secretary this morning (Friday). He confirms that he is the one who recommended Atty. Peter Manzano for the position as deputy commissioner.”
Ngunit sa kabila nito, wala siya umanong kinalaman sa sinasabing siya ang padrino ng mga illegal na gawain sa ahensya.
“The ES has nothing to do with any transactions, any illegal or otherwise that has been mentioned in the coarse of these reports.”
Katunayan, ayon kay USec. Valte mismong si Ochoa ang nagbabala noon sa publiko laban sa mga umano’y gumagamit ng kaniyang pangalan sa BOC. (NEL MARIBOJOC, UNTV News)