Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOJ nagbabala vs. sextortion

$
0
0
FILE PHOTO: Computer Shop (UNTV News)

FILE PHOTO: Computer Shop (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) sa publiko na mag-ingat sa pagpo-post ng mga personal information sa mga social networking site na maaring magamit sa sextortion activities ng mga masasamang loob.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, karamihan sa mga subscribers ngayon sa mga social networking site ay kadalasang nagbibigay ng mga personal na impormasyon na madaling na-aaccess ng mga masasamang loob.

Dahil sa malawak na access sa internet, binigyang diin rin ng kalihim na isa rin ito sa mga nagiging dahilan ng mga nagaganap na cybercrime sa bansa.

Ang sextortion ay isang uri ng modus operandi, kung saan gagamitin bilang pananakot sa isang biktima ang pagpopost sa internet ng mga hubad nitong larawan kapalit ng pagbabayad ng pera.

Ayon sa DOJ, mahalaga rin na mabantayang mabuti ng mga guro at mga magulang ang kanilang mga anak lalo na ang mga menor de edad sa pagse-search sa internet.

Importante rin na maituro sa mga bata ang mga angkop at di angkop na bisitahing website.

Panawagan ng ahensya sa publiko, sinomang may impormasyon kaugnay ng mga kaso ng sextortion, ay agad na ipagbigay alam sa mga kinauukulan.

Hinikayat rin nito ang mga internet service provider at telecommunication companies na makipagtulungan sa mga otoridad upang mapigilan ang sextortion activities.

Sa ilalim ng Revised Penal Code 282 ang sextortion ay sakop ng kasong grave threats at mahaharap sa kaukulang parusa o penalty ang sinomang lalabag dito.

Payo ng DOJ, dapat maging matalino at maingat sa pagpopost ng mga larawan at impormasyon sa internet upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob.  (Joan Nano / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481