UNTV GEOWEATHER CENTER (03/04/15) – Malaking bahagi ng bansa ang makararanas ng maaliwalas na lagay ng panahon habang patuloy ang pagiral ng Amihan kahit nasa unang linggo na ng Marso.
Ayon sa forecast ng PAGASA, ang buong kapuloan ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin subalit may posibilidad na makaranas ng papulopulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog lalo na sa Visayas at Mindanao.
Maaari namang maglayag ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa anumang baybayin ng bansa dahil wala namang inilalabas na gale warning ang PAGASA. (Rey Pelayo / UNTV News)