Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang pampasaherong bus, pinayagan nang muling bumiyahe sa Maynila

$
0
0
FILE PHOTO: Bus entering Manila via Welcome Rotunda in España Boulevard. (UNTV News)

FILE PHOTO: Bus entering Manila via Welcome Rotunda in España Boulevard. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling papayagan ang pagbiyahe ng ilang pampasaherong bus sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Traffic Unit, pansamantalang ipatutupad ang modified bus ban upang mapag-aralan ang magiging epekto nito sa daloy ng mga sasakyan sa lungsod.

Sa ilalim ng nasabing arrangement, sampung unit ng bawat bus company na may prangkisa ang papayagang pumasada sa Maynila simula ngayong araw ng Lunes.

Maaari silang bumiyahe mula Quezon City papasok ng España Boulevard, Park and Ride terminal at ilang bahagi ng Taft Avenue.

Ang mga bus naman na mula sa Pasay at Makati City ay maaaring dumaan sa Quirino, Taft, Park and Ride, ilang bahagi ng España at Lacson Streets.

Maaari lamang magsakay at magbaba ng pasahero ang mga bus sa España, Lawton at Luneta area sa Maynila.

Ngunit paglilinaw ng Manila Traffic Unit, kailangang maglagay ng karatula kung saan makikita ang numero pati na ang body at plate number ng bus at may lagda ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Vice Mayor Isko Moreno. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481