Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Ikaw ang Musika”, ikalawang song of the week ngayong Marso sa ASOP Year 4

$
0
0

(Left-Right) Ang composer at interpreter ng awiting papuri ng “Ikaw Ang Musika” na sina Joshua Carias at Paula Bianca. (FRED ALVIOR / Photoville International)

MANILA, Philippines – Sa ikalawang linggo ng eliminasyon sa buwan ng Marso sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, tinanghal na “song of the week” ang awiting “Ikaw ang Musika” na likha ng baguhang kompositor na si Joshua Carias.

Tumugma ng lubos ang female rock ballad voice ng Viva artist na si Paula Bianca sa awitin.

Ayon kay Joshua, “Nabigyan niya ng justice eh. Natuwa ako sa ginawa niya kaya nga nung isang pasada ng rehearsal niya, okey na eh. Sabi ko, bitiwan mo lang ng emosyon, kargahan mo ng emosyon, pasok ‘yan.”

“Yung sa song na ‘to parang hinukay ko talaga lahat ng emosyon na naramdaman ko all through my life. So this is, this is a very challenging song despite na hindi siya ‘yung super birit pero eto talaga ano, ang labanan dito eh emosyon so talagang marami akong binaong emosyon,” pahayag naman ni Paula Bianca.

Dalawang ballad entries ang nakalaban ng komposisyon ni Joshua, ang “Lahat Man ay Mawala” ni Jetroeuel Quimoy na inawit ng singing champion na si RJ Buena at “Sa Iyo Ama” ni Niño Mas at Carlos Lacson na inawit naman ng isa sa MICA sisters na si Celina Cercado.

Muli namang nakasama ni “Doktor Musiko” Mon Del Rosario bilang hurado ang dalawa sa miyembro ng Music ang Magic na sina Jet Montelibano at Fe Delos Reyes. (Adjes Carreon / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.