Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

“White wash” sa resulta ng imbestigasyon ng BOI sa Mamasapano clash, pinabulaanan ng Malacañang

$
0
0

Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., Presidential Communications Operations Office (UNTV News)

MANILA, Philippines – “Ngayon, siguro ‘yung pinaka-generous way of looking at it, maraming wishful thinking si Napeñas as opposed to reality. Pero maliwanag sa akin, binola niya ako. Ngayon, ano ho ang responsibilidad ko at this point in time? May kasabihan ho eh: ‘Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on me.’ At wala akong balak na ma-‘fool me twice.”

Hindi nagtuturo si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagsasalita sa prayer rally sa Malacañang ground nitong Lunes kaugnay ng posibleng pananagutan ni dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas dahil sa naging problema sa koordinasyon sa Oplan Exodus noong Enero 25 sa Mamasapano.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior, hindi naman umiiwas si Pangulong Aquino sa mga pananagutan kagaya sa mga nauna na nitong mga pahayag.

“Sa ginawang paliwanag ng Pangulo kahapon (Lunes) , hindi naman ang pangunahing layunin na pagbunton ng sisi sa kaninoman,” saad ni Coloma.

Pinabulaanan rin ng kalihim na may ginagawang “whitewash” o cover-up si Pangulong Aquino sa isyu sa Mamasapano.

Aniya, “Wala pong cover-up at wala namang so called white wash o yellow wash at para namang napakahirap lumugar sa pagitan ng dalawang pananaw na nagsasabi sa isang banda meron daw coverup.”

“Ang nais lang naman natin dito ay malaman ng ating mga mamamayan yung katotohanan at buong kaganapan,” saad pa nito.

Una nang humingi ng tatlong araw na extension ang BOI bago ilabas ang resulta ng imbestigasyon nito sa Mamasapano clash. (Nel Maribojoc /UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481