Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

CGMA hihilingin sa Sandiganbayan na masailalim sa house arrest

$
0
0

FILE PHOTO: Ang pagkalipat ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo mula St. Luke’s Medical Center sa Taguig patungong Veterans Memorial Medical Center noong Disyembre 09, 2011. (Photoville International)

MANILA, Philippines – Hihilingin ng kampo ni dating presidente at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Sandiganbayan na makalabas na sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at masailalim na lamang sa house arrest.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Modesto Ticman, kailangan ikunsidera ng korte ang lumalalang kalusugan ni Arroyo.

“Despite the fact na na-confine siya sa isang medical institution hindi gumagaling ang kanyang sakit bagkus lalo pa nga lumalala ayon sa kanyang mga doktor.”

Dagdag pa ni Atty. Ticman, bagaman pinayagan ng korte ang hospital arrest para kay Arroyo, naghain pa rin sila ng petition for bail upang pansamantala itong makalaya.  Ang apat na bail petition ni Arroyo ay hindi pa inaaksiyunan ng korte.

Ayon sa Sandiganbayan, nahaharap sa kasong plunder ang kongresista, at hindi ito maaaring mabigyan ng ilang prebilihiyo.

Sa kabila nito, susubukan pa rin ng kampo ni Arroyo na umapela sa anti-graft court.

“Nagkaroon kami ng lakas ng loob ng mag-file ng motion for house arrest because of the public statement made by Sec. De Lima that at least the DOJ, they will not interpose any objection,” ani Attorney Ticman.

Samantala, nito lamang Peb. 26, iniakyat na ni Arroyo sa United Nations (UN) ang kanyang apelang makalaya upang makapagpagamot sa ibang bansa.

Ang abogado ni Arroyo na si Atty. Amal Amaldin Clooney ang nagrequest sa UN na irekomenda sa gobyerno ng Pilipinas na payagan itong makalaya dahil ang patuloy na hospital arrest sa kanya ay paglabag umano sa kanyang civil and political rights.

Ani Ticman, “The Philippine government is a signatory to the International Covenant on Political and Civil Rights and based on that covenant the former president should be released. Based on that covenant dapat irelease siya.”

Sa reklamo na inihain ni Arroyo sa United Nations, hihilingin rin nito na humingi ng tawad ang gobyerno kay Arroyo dahil sa mga nalabag na karapatan ng dating presidente.

Nais din nilang mabigyan ng access si Arroyo sa cellphone at iba pang communication gadgets na mahalaga upang magampanan nito ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng Pampangga.

Ang pagdulog sa kaso ni Arroyo sa UN ang huling hakbang matapos na ma-deny ang lahat ng petition for bail sa korte.

“Ito ay sa kadahilanan na na-exhaust na namin lahat ng legal and domestic remedies dito. Lahat ng petitions for bail namin na-deny, so sa tingin ni Atty. Amal ito na iyong recourse namin which is to invoke the jurisdiction of the United Nations,” saad pa ng abogado.

Apat na kaso ang hinaharap ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Sandiganbayan dahil sa umano’y mga katiwalian noong siya pa ang presidente ng bansa. (Joyce Balancio / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481