Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mas matagal na rotating brownout, posibleng maranasan sa Luzon

$
0
0

FILE PHOTO: Isang batang naglalaro ng kandila habang nag-aantay ng pagbabalik ng kuryente. (Rovic Balunsay / Photoville International)

MANILA, Philippines – Mas matagal na rotating brownout ang maaaring maranasan sa Luzon dahil nanganganib na hindi magamit ang mahigit 500 megawatts (MW) na kuryente mula sa mga participant ng Interruptible Load Program (ILP).

Sa kasalukuyan ay nasa 907 megawatts na ang kuryenteng kayang iambag ng mga sumali sa Interruptible Load Program.

Sobra na ito ng 200MW sa sinabi ng Department of Energy (DOE) na nakaambang kakulangan sa reserba.

Subalit posibleng mabawasan ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa naaamyendahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang paraan kung papaano mababayaran ang mga contestable ILP participants.

Paliwanag ni ERC Executive Director Francis Juan, binubuo ang ILP ng dalawang grupo, ang captive at contestable participants.

Ang captive ay mga kumpanyang nasasakop ng Manila Electric Company (MERALCO), at ang contestable ay mga kumpanyang miyembro ng Retail Electricity Supplier Association o RESA na hindi customer ng MERALCO.

“Pero ngayon kung totohanan na at hindi malinaw na sila nga ay covered ng ILP so mangangahulugan na maaaring hindi sila mababayaran ng insentibo na provided sa kanila so yun ang barrier para sila ay mahikayat na mag-participate,” paliwanag ni Juan.

Sa ngayon ay mga captive participant pa lamang ang may existing na payment scheme.

“We can’t say at the moment if we can call on the contestable customers, but for sure on the 400MW we have on the captive we can call on them and we have to see what we can work out in the retail suppliers,” pahayag ni Larry Fernandez, pinuno ng Utilities and Economics ng MERALCO.

Ang problema, malaking bahagi ng ILP ay binubuo ng contestable participant, mahigit 500MW ang maaaring mawala sa ILP kung hindi maaamyendahan ang payment scheme.

Ayon kay Raymond Roseus, presidente ng RESA, hindi sila papayag na paandarin ang kanilang mga generator kung hindi malinaw kung paano sila mababayaran.

“The ILP can still be implemented but in the captive segment na lang at its current form so without the guidelines at the captive segment and with the guidelines of the retail segment,” pahayag nito.

Ayon sa Department of Energy, ang kulang na 100MW ay katumbas ng isang oras na rotating brownout, ibig sabihin maaaring magkaroon ng mas malawak na rotating brownout kapag nagkulang ng 500MW sa reserba.

Subalit desidido ang ERC na amyendahan ito simula sa susunod na linggo kahit hindi pa aprubado ng bicam ang joint resolution na magbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Aquino.

Nilinaw ng ERC na kahit hindi pumasa sa bicam ang joint resolution maaari pa ring magamit ang Interruptible Load Program, subalit ang bayan ang papasan ng dagdag gastos sa paggamit nito.

Sa Linggo, March 15 ang nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya,ito ang hudyat ng pagsisimula ng energy crisis sa Luzon. (Mon Jocson /UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481